Martes, Agosto 30, 2011

Pera nga ba ang ugat ng kasamaan?

                    Lahat ng tao ay nangangailangan ng pera para sa pang araw araw na pangangailangan,hindi lang ikaw, ako, sya o sila kundi tayo, kayat napakahalaga ng pera sa sangkatauhan. Kung mapera ka lahat ng gusto mo makukuha mo.kaya't maswerte ang mga pinanganak na mayaman,ngunit kaawa awa ang pinanganak ng walang wala at sila ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay at pang aapi  sa lipunan.
                     Kung iyong pakasusuriin, karamihan sa mga nangyayari dito sa mundong ating ginagalawan ay hindi dahil sa salapi, naniniwala akong hindi salapi ang ugat ng kasamaan, kundi ang pagmamahal at pagpapahalaga ng tao dito, Maraming positibo at negatibong sanhi ang pinapakitang pagmamahal at pagpapahalaga ng tao sa salapi, ngunit mas nangingibabaw ang negatibong sanhi nito. Tao ang lumikha sa salapi, ngunit bakit tao na ang sumasamban dito??? May mga taong masasabi kong sumsamba sa pera.Diba't ang paggawa ng masama,panlilinlang, at pagpatay dahil sa pera ay pagpakita ng pagsamba dito?Maaaring ang iba'y nagagawa lang ito para sa ikabubuhay ng kaninilang pamilya at maaaring kahinaan nga ng karamihan ang pera lalo na ng mahihirap, ngunit may ilang taong sumasamba sa pera, madali silang masilaw ng sa salaping kanilang nakikita, mahirap man o mayaman, ngunit para saan? karangyaan? upang umangat sa iba, makaapak at makapang-api? upang tingalain at igalang? walang kakuntituhan sa buhay. Katangahan! Oo, katangahan ang pagpapaalipin at pagsamba sa salapi at di pagkilala sa Diyos dahil dito. Higit nilang pinahahalagahan ang pera kaysa sa ibang masmahalaga pang bagay.
                   Madadala ba ng tao ang pera kapag silay namatay na? o napipigil ba nito ang kamatayan ng tao? Diba't hindi? At alam nating, lahat ng tao'y mamamatay din at ang perang kanilang pinaghirapan ay naiiwa, kaya't sa kahulihulihan ang paggawa ng masama upang magkapera ay walang magandang naidudulot. "Nagmula sa kasamaan, kasamaan din kahahantungan" may iba't iba tayong pagpapahalaga sa pera ngunit ang maling pagpapahalaga dito ay away at gulo lang ang kahahantungan.Ikaw, panu mo ba ituring ang salapi? Mahirap man o mayaman namumroblema sa salapi, ngunit sana'y marunong sila ng tamang paggamit at paghanap dito. Ang pera'y instrumento lamang para sa kaayusan at hindi para sa ikasisira ng bansa. Kung mawawala sana ang mga taong nababaliw sa pera, magiging maayos at tahimik ang pamumuhay ng lahat,ngunit malabong mangyari yon.Hanggang ngayon marami paring masamang nangyayari dahil sa maling pagpapahalaga ng tao sa pera.
                Dapat ninyong tandaan na ang pera'y para sa pangangailangan ng tao, ngunit kailangan ng disiplina para sa kaayusan at upang pagkasilaw sa pera ay maiwasan.



 -- for submission (HUMANITIES 1) --
 




  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento